Ni: Galilee S. Atienza
COBNHS MAPEH Teacher
Lights, camera, action!, yan ang mga katagang madalas nating naririnig sa mga direktor na kapag narinig na ng mga aktor, ito na ang hudyat na sila ay magsisimula ng umarte. Ang mga salitang nabanggit bilang isang guro ay paminsan-minsang nasasambit o nagiging ekspresyon na sa mga araw na ay mayroon tayong pinagdadaanan o nasa mahirap na sitwasyon. Sa madaling salita, tayong mga guro ay madalas na nagiging aktor o artista sa loob ng paaralan o sa klase.
Hindi maikakaila na tayong mga guro ay hindi o walang kawala sa anumang sitwasyon na mahihirap at masasakit, kaya sa araw-araw na ginagawa at ibinibigay sa atin ng Diyos ay nandoon ang kinakailangan na, hindi lang minsan kundi madalas na dapat itago o isantabi ang tunay na emosyon o nararamdaman upang makaharap nang maayos at karapat-dapat sa harap ng mga bata.
Katulad na lamang sa mga pagkakataon na aalis ang guro ng tahanan na mayroong pinagdaaanang problema o biglaang pangyayari na di-inaasahan, bilang isang guro hindi dapat kakitaan ng panghihina, kawalan ng focus at higit sa lahat kakulangan sa kaalaman, lalo na sa pagharap sa mga mag-aaral. Kaya dumarating ang mga oras na kinakailangan umaktong okay, ayos at panatag ang isang guro habang ginagampanan ang kanyang tungkulin para sa bata.
Nagiging artista ang isang guro, natututong itago ang isang makatotohanang emosyon sa kalooban. Pilit na ikinukubli ang malungkot na pakiramdam sa kabila ng matatamis nitong ngiti sa pagharap sa mga mag-aaral. Kaya naman masasabi pa rin na ang award sa araw-araw na “Best Actor o Actress” ay sa mga guro pa rin.
Nawa sa panahon ngayon, patuloy nating ipakita ang mataas na respeto para sa mga guro na patuloy inilalaban ang bawat araw para lamang magampanan nang maayos at karapat-dapat na serbisyo para sa mga mag-aaral. Sabi nga “Respeto lang mga anak” yan ang madalas na nabibigkas ng mga guro ngayon.
Mga gurong nagsisilbing mga bituing walang ningning sa kabila ng pagtatago ng kanilang pinagdadaanan at sa pagtuntong ng kanilang mga paa sa paaralan dito magsisimula na sabihin sa kanilang mga sarili na “Ligths, Camera, Action!