Ni:Ma.Donnabelle S.Nisay RN, EMT-B – COBNHS
Makalipas ang dalawang taon nagsimula na ang 100% balik mag-aaral sa taon panuruan 2022-2023. Ang lahat ng empleyado sa bawat eskwelahan ay naging abala sa paghahanda sa pagsalubong sa mga estudyante na hindi nakaranas ng “face to face class o in -person” sa loob halos ng dalawang taon.
Ang mga magulang ay excited na rin para sa kanilang mga anak na pumasok na sa “in -person”.Ang mga estudyante ay may halong emosyon sa pagharap sa bagong sitwasyon ng pag-aaral.Sa kabila ng pagpapatupad ng “face to face class,”marami ring mga ilang magulang ang nabahala sapagkat kailangang huminto sa trabaho ang kanilang mga anak na siyang nakatutulong sana nila sa pagtawid sa pang araw-araw na buhay .
Dahil sa balik na sa normal ang pasok may mga mag-aaral na kailangan ng dumalo sa klase nang “in-person” at may mga ilan din mga mag-aaral ang kailangang tumigil na sa part-time job nila lalo na ang nasa high school at senior hs. May mga ilan din mag-aaral ang pumapasok na di kumain at walang baon, ang iba naman ay galing sa pang gabing trabaho upang may maipantustos sa pag-aaral at may maiabot sa magulang kahit papaano.
Napakarami din nagkakasakit, na estudyante at guro dahil ang mga katawan ay nagsisimula pa lamang mag-adjust sa klima at kapaligiran na matagal din di nila nakasanayan.Sabi nga nasa “adjustment period”pa lamang sila at maaaring may epekto pa ito sa kanilang emotional o mental na kalagayan.
Bagamat may mga negatibong pangyayari ang pandemya, may positibo din naming dulot ito tulad na lang sa muling pagsilay nang tamis ng ngiti at halaklak sa bawat estudyante at mga guro. Ang pagsusumikap ng mga estudyante na matuto sa mga masisipag na guro at walang sawang nagtuturo sa mga mag-aaral ay nagdudulot ng buong galak sa bawat isa.
Ang mga physical fitness na matagal na hindi naranasan ay naging kaigaigaya sa lahat kahit pa may hindi maiwasan masaktan at madumihan ang mga uniporme. dahil kailangan gawin ito ng in -person.Kung kaya ang mga school clinic ay madalas mapuno ng mga estudyante at empleyado dahil may mga tumaas ang Bp sa init din ng panahon.Sa kabila nito tuloy ang pag-aaral na may saya at buong pusong tinanggap ang” in person class” ng mga mag-aaral at guro.
Kung kaya ang pagbabalik eskwela ay balik kwela din para sa mga kabataang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral may problema man hinaharap tuloy ang layunin makamit ang tamang edukasyon para sa kanilang kinabukasan. Hindi hadlang ang hirap ng buhay at mga sagwil na maaari pang dumating sa buhay nila.Ang mahalaga bumalik na sa normal ang pag-aaral.