Call No. : (047) 633-6686 / Mail Address : balanga.city@deped.gov.ph

Pagtanggap, Pag-usad

Ni: Rachel Balbag Colibao, T-1,BES

Ang bawat magulang ay nananalangin at umaasa na magkaroon ng anak na malusog at mabait. Ang sabi pa nga ng iba, “Di na mahalaga kung babae o lalaki, basta malusog at normal.” Kaya nga pag dumating na sa pagsilang ng anak  alagang sigurado at proteksiyong todo-todo ang kanilang ibinibigay sa mahal na supling. Walang ipinapanalangin kundi lumaking malusog at maayos ang mga ito.

Kaya nga sa mga ilan survey sa  mga magulang, sila ay nagkaroon ng kalungkutan nang malamang ang kanilang mga anak ay isang espesyal. Ilan sa kanila ay hindi matanggap ang katotohanan, bagkus ay itinatanggi ito kahit may mga senyales na silang namamasdan. Dahil sa hindi agarang pagtanggap, ang pagkonsulta sa tamang doktor ay naaantala. Habang naaantala ang pagpapakonsulta, naaantala rin ang mga bagay na dapat ay nagagawa nang maaga. Minsan sa tagal ng panahon, may mga pagkakataong hindi agad  nabibigyan ng kalutasan ang bagay na dapat nalunasan.

Sa larangan ng Special Education, ang maagang pagtanggap ay mahalaga upang ang batang espesyal ay mabigyan ng tamang atensiyon at maipasuri sa mga dalubhasa. Ang pagtanggap ay nagiging dahilan ng pag-usad sapagkat karamihan ng mga batang may autism at maagang nabibigyan ng ‘therapy’ ay  nagiging matagumpay sa larangan ng pagkatuto. Ang mga batang mayroong mga magulang na lubos na tumanggap sa sitwasyon ng kanilang mga anak at bukas -loob na sinunod ang payo ng mga doktor sila ang mga magulang may malawak  na kaisipan Kaya nga nakakalungkot na may ilan pa rin magulang ang nasa denial stage  na hindi matanggap  ang kanilang mga anak na may espesyal na pangangailangan. Ito ay nagiging hadlang upang matulungan ng mga doktor, mga ‘therapists’, mga guro ang batang espesyal na dapat sana malunasan nang mas maaga.

 Totoong nakakaramdam ng pagkabigo ang mga magulang na may anak na espesyal.Nawa ‘y hindi maging dahilan ang kanilang pagkabigo upang ang kanilang mga anak ay manatiling di- umuusad. Kailanman, ang pagtanggi sa totoong sitwasyon ay hadlang sa pag-unlad ng bata. Anoman ang mayroon taglay na di -ayos ang bata, unahin ang pagtanggap upang sila’y umusad. Karapatan ng bawat bata ang magkaroon ng pamilyang maaasahan para sa kanilang kalusugan, edukasyon at pag-unlad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *