Call No. : (047) 633-6686 / Mail Address : balanga.city@deped.gov.ph

PUSO

NI: Evelyn G. Contreras -TIII, City of Balanga National High School

  “ Ayoko pong maging teacher” nalungkot ako ng madinig ko ang mga katagang ito mula sa isa kong estudyante. Bukod daw sa maliit na suweldo mukhang ang dami pa daw ginagawa ng isang guro. Ngumiti ako at tumugon sa kanya ng ganito “tunay na mahirap maging guro, oo mas maliit ang suweldo kumpara sa ibang propesyon pero sisiguraduhin ko saiyo na kakaibang kaligayahan naman ang mararamdaman mo kung nasa PUSO mo ang pagtuturo”.

Marami ang nagsasabi na mahirap ang magturo. Makukulit na bata, mahina ang ulo at marami din sakit talaga ng ulo. Ang dami daw ng ginagawa, halos inuuwi pa ang iba sa bahay para lang makatapos, sabi nga parang wala daw katapusan ang trabaho. Ang sagot ko, isang malaking OO, kaya naman para makayanan mo kailangan ng PUSO.

Tunay ngang hindi biro ang pagtuturo, sa dami ng ginagawa kulang ang isang araw mo, gagawa ng lesson plan, gagawa ng gagamitin sa pagtuturo, aaralin ang ituturo, gagawa ng iba pang reports, gagawa ng mga pagsusulit, mag- tsetsek ng pagsusulit, magrerecord at sisiguraduhing magreremedial kapag hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagsusulit.

Hindi din talaga madali ang magdisiplina ng mga batang hindi mo naman anak o kaanu-ano. Lalo na yung mga sobrang pasaway, yung mga nagrerebelde at kulang sa pag-aruga sa sarili nilang tahanan, yung tipong magulang nga nila hindi sinusunod, paano pa kaya ang kanilang guro? Ang hirap lalo na sa panahon ngayon na iba na ang takbo ng utak ng mga “millennials” kung tawagin. Ang hirap kasi kahit nagagalit ka na ,hindi mo sila magawang kagalitan ng sobra at lalong hindi mo sila pwedeng masaktan. Yung tipong madalas kailangan mo na lang huminga nang malalim kapag pakiramdam mo, may ilan na talagang binabastos ka na.

At hindi din kaila na mas maliit ang sweldo ng guro kumpara sa ibang propesyon, sabi nga wala raw yumayaman sa pagiging guro. Maraming mga guro ang mas madalas  dumukot sa sarili nilang bulsa upang mapaganda lang ang kalidad ng kanilang pagtuturo.

Sadyang kung iisipin mahirap talaga ang maging guro. Pero masasabi kong masarap naman sa PUSO. Para makayanan mo kailangan gamitin din ang puso. PUSO sa trabaho, na kahit gaano pa yan kadami .Kapag maisip mo lang na maraming bata ang makikinabang at matututo sa mga ginawa mo, mawawala na ang pagod mo. PUSO sa mga bata, na kahit mahirap silang disiplinahin at minsan nawawalan rin ng respeto pero hindi mo sila sinukuan kaya naman nagagawa nilang magbago. Ang mga pasaway na tinuturing natin sila ang hindi nakakalimot na magpasalamat sa mga guro pagdating ng araw. Iyan ang reward ng isang guro hindi ka nila malilimutan pagdating ng panahon.Nakakataba ng PUSO.

Higit sa lahat hindi ka man yumaman at puro paluwal sa pagiging guro, mayaman ka naman sa mga alaala na nasa PUSO mo, dahil alam mong maraming batang dumaan at dadaan sa iyo na balang araw mas mayaman pa kumpara sa iyo na siyang magpapataba ng iyong PUSO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Search